Pasay City — Nakiisa si Senador Mark A. Villar sa mga mamamayan ng Probinsya ng Saranggani kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Southern Philippines.
Nagpahayag din ang senador ng kanyang pakikiramay sa mga pamilyang nakaranas ng paghihirap dulot ng sakuna.
“Taos-puso po akong nakikiramay at nananalangin para sa mga nawalan ng mahal sa buhay, nasugatan, at sa mga pamilyang napilitang lumikas dahil sa sakunang ito. Sa ganitong panahon ng pagsubok, mahalagang maramdaman ng ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa at handa natin silang tulungan,” ani Villar.
Binigyang-diin ng senador na nananatiling prayoridad ang pagtulong sa mga apektadong komunidad at pagtugon sa kanilang agarang pangangailangan habang nagpapatuloy ang mga relief at assessment efforts sa mga lugar na tinamaan ng lindol.









