Home NATIONWIDE DA nag-ikot sa mga palengke sa Maynila: presyo ng mga bilihin iinspeksyunin

DA nag-ikot sa mga palengke sa Maynila: presyo ng mga bilihin iinspeksyunin

4
0

MANILA, Philippines – Nag-ikot sa ilang palengke sa Maynila ang ilang mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) para mag-inspeksyon sa mga presyo ng bilihin sa merkado.

Bilang bahagi ito ng Nationwide Simultaneous Market Visit ng DA katuwang ang Department of Trade and Industry.

Layunin ng ginagawang price monitoring ay para matiyak na nakakasunod ang mga nagbebenta sa palengke sa mga itinakdang price cap ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Sa San Andres Market, pinangunahan ni Aldrich Sy, Market Supervisor ng Food and Terminal Inc. (FTI) ang pag-momonitor sa klase at presyo ng mga bigas kasama ang tauhan ng DA at Bureau of Plant Industry.

Nasita naman ang isang nagbebenta ng bigas dahil sa magkaiba ang uri at pangalan ng bigas na naka-display kung saan iba din ang presyo nito.

Kaugnay nito, bumili ng sample ang DA para ipasuri ang mga bigas na ibinebenta sa nasabing palengke lalo na’t malulugi ang publiko na bibili nito.

Hinala pa ng DA, posibleng pinaghahalo ng mga nag-nenegosyo ang murang klase ng bigas sa mga mamahalin para mas lalo pa kumita kung kaya’t binigyan ang ilan sa kanila ng notice of violation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here