Home METRO Higit 3,000 silid-aralan sa Mindanao nasira sa M7.8 lindol — DepEd

Higit 3,000 silid-aralan sa Mindanao nasira sa M7.8 lindol — DepEd

4
0

MANILA, Philippines – Mahigit 3,000 silid-aralan sa mga pampublikong paaralan ang nasira matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, ayon sa Department of Education.

Ayon kay DepEd Undersecretary Malcolm Garma, base sa paunang assessment noong Hunyo 9, 554 pampublikong paaralan sa mga apektadong rehiyon ang may pinsala. Sa mga nasirang silid-aralan, 576 ang totally damaged, 653 ang major damage, at 2,034 ang minor damage.

Patuloy ding suspendido ang klase sa humigit-kumulang 8,000 paaralan habang isinasagawa ang safety inspections ng mga lokal na pamahalaan. Aniya, ang pagbabalik-eskwela ay depende kung kailan ide-deklarang ligtas ang mga gusali.

“Importante, maideklara muna ng kanilang building officials ng mga LGU na safe nang makabalik ang mga bata sa mga schools na ito,” sabi ni Garma.

Nagpapadala na rin ang DepEd ng mga team para sa psychological first aid sa mga mag-aaral, habang katuwang ang Department of Social Welfare and Development sa mental health support sa mga komunidad.

Plano ng DepEd na gamitin ang kanilang Quick Response Fund kasama ang Department of Public Works and Highways para sa pagkukumpuni at rekonstruksyon, na may inilaang humigit-kumulang ₱3 bilyon para sa emergency response at rehabilitation.

Babala rin ng DepEd na maaapektuhan ang learning continuity, lalo na’t nasa opening stage pa lamang ng school year ang mga estudyante sa ilalim ng bagong school calendar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here