Home METRO Sarangani isinailalim sa state of calamity dahil sa M7.8 lindol

Sarangani isinailalim sa state of calamity dahil sa M7.8 lindol

6
0

SARANGANI, Philippines – Idineklara ng lalawigan ng Sarangani ang state of calamity noong Miyerkules dahil sa matinding pinsalang dulot ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa rehiyon noong Lunes.

Ayon kay Governor Rogelio Pacquiao, inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang deklarasyon upang mapabilis ang paggamit ng emergency funds, pamamahagi ng ayuda, at mga programa sa rehabilitasyon para sa mga naapektuhang komunidad.

Nagdulot ang lindol, na may episentro malapit sa bayan ng Maasim, ng maraming nasawi, nasugatan, at lumikas na pamilya. Malawak din ang pinsala sa mga pampubliko at pribadong imprastraktura.

Samantala, sinabi ng Bureau of Fire Protection na umabot na sa 53 ang naitalang nasawi dahil sa lindol.

Isa sa mga pinakamalubhang naapektuhan ang bayan ng Glan, na halos hindi madaanan at nahihirapang makakuha ng pagkain, tubig, kuryente, at komunikasyon.

Nagpulong naman sina Governor Pacquiao, Vice Governor Danny Martinez, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at iba pang opisyal upang agad na magpatupad ng mga hakbang para sa mga apektadong lugar, lalo na sa Glan, Malapatan, Alabel, Malungon, Kiamba, Maasim, at Maitum.

Layunin ng state of calamity na mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan at maihatid agad ang kinakailangang tulong sa mga biktima ng sakuna. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here