Home METRO DICT naghatid ng free wifi sa mga lugar na tinamaan ng lindol

DICT naghatid ng free wifi sa mga lugar na tinamaan ng lindol

4
0

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga telco na Globe Telecom at PLDT-Smart upang magbigay ng emergency internet at komunikasyon sa Sarangani at iba pang lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.

Nag-deploy ang DICT ng Starlink kits, charging stations, at libreng internet sa ilalim ng Government Emergency Communications System (GECS) at Free Public Internet Access Program (FPIAP).

Kabilang sa mga lugar na may libreng internet sa Sarangani ang:

–Glan Municipal Plaza sa Glan

–Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Alabel

–Evacuation center sa Maasim

May libreng internet din sa:

–CDRRMO at IMT sa General Santos City

–IMT PDRRMO sa Koronadal City

–Office of Civil Defense Regional Office 12

–Balut Island

Samantala, nagbigay ang Globe ng libreng data at messaging sa mga customer sa South Cotabato, Sultan Kudarat, at Sarangani gamit ang satellite-to-mobile technology ng Starlink. Ito ang unang paggamit ng naturang teknolohiya ng Globe para sa disaster response sa bansa.

Nagbigay rin ang PLDT at Smart ng connectivity support sa command center ng General Santos City upang makatulong sa koordinasyon ng mga responder sa gitna ng malawakang pagkawala ng kuryente.

Bukod dito, nag-aalok ang PLDT Sales and Service Center sa General Santos City ng libreng WiFi, device charging, at libreng tawag para sa mga residente.

Ayon sa DICT, ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak ang mabilis na komunikasyon at koordinasyon sa panahon ng sakuna. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here