Home NATIONWIDE Mali pagkaintindi ng iba sa ruling ng SC sa Senate leadership petition...

Mali pagkaintindi ng iba sa ruling ng SC sa Senate leadership petition – Sotto

2
0

MANILA, Philippines – Hindi naintindihan ng ilan ang desisyon ng Supreme Court na nagbabasura sa petisyon na may kaugyanan sa sigalot sa liderato ng Senado dahil bindi naman ang isyu ang tinugon kundi ang legal standing ng naghain.

Sa panayam, sinabi ni Senador Vicente Sotto III na may ilang tao nang hindi nakaintindi sa desisyon na walang “legal standing” ang nagpetisyon upang aksiyunan ng Korte Supreme ang leadership issue.

“Some people misunderstand it.

Ayon kay Sotto, hindi justiciable ang petisyon kaya hindi kikilos ang SC hinggil dito.

Ipinahayag ito ni Sotto matapos ibasura ng SC En Banc ang petisyon na inihain ng isang highschool teacher na si Barry Tayam laban kina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, at Loren Legarda.

Sinabi ng Korte Supreme na ibinabasura ang petisyon sanhi ng kawalan ng legal standing, dahil nabigo si Tayan na ipakitang nagdusa siya o nasa bingit na banta ng pagdurusa, anumang direktang sakit mula sa pagkilos na pinipetisyon.

Hiniling ni Tayam sa SC na ideklarang valid quorum ang presensiya ng 12 senador noong June 3, 2026 session ng 20th Congress kaya nahalal si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate president pro-tempore.

Dahil sa pagbasura, ginamit ng supporters ni Cayetano ang desisyon sa online na nagsasabing nagtagumpay ang kanilang kampo sa nangyayaring sigalot sa liderato ng Senado.

Pero, binalewala ito ni Sotto sa pagsasabing: “Many are under wishful thinking, trying to fool people into thinking that the 12 of 23 [quorum] is wrong.”

Nagsimula ang sigalot pagkatapos ng sesyon noong Hunyo 3 na naghalal ng bagong opisyal ng Senado kaya nagkaroon ng palitan ng opinion at posisyong legal ang magkabilang kampo.

Hindi nagdesisyon ang Korte Suprema sa validity ng quorum kundi sa legal standing ng nagpetisyon dahil siya ang tamang Partido na maghatin ng petisyon sa Mataas na Hukuman. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here