Home NATIONWIDE Comelec may sapat na pondo para sa Cavite special polls- Malakanyang

Comelec may sapat na pondo para sa Cavite special polls- Malakanyang

3
0

MANILA, Philippines – MAY SAPAT na pondo ang Commission on Elections (Comelec) para magdaos ng special election sa Cavite.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ipinaalam ng Department of Budget and Management (DBM) sa Malakanyang na maaaring gamitin ng poll body ang ‘existing funds’ nito para sa electoral exercise.

Nauna rito, sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na ang poll body ay mangangailangan ng P200 milyon para sa pagdaraos ng eleksyon.

“Kinausap po natin ang DBM. According to DBM, mayroon pa pong pondo na nasa Comelec at maaari naman po nilang gamitin po iyon. Sapat po ang pondo,” ani Castro.

Nauna rito, humihingi ng karagdagang pondo ang COMELEC sa Malacañang para maisagawa ang special election sa nag-iisang distrito ng Dasmariñas, Cavite na gaganapin sa Agosto.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, umabot sa ₱191 milyon ang kanilang tinatayang kakailanganing pondo para sa special election na sasaklaw sa 450,000 rehistradong botante sa distrito.

Nabakante ksi ang posisyon ng kinatawan ng 4th District ng Cavite matapos tanggalin ng Kamara sa pwesto si Congressman Kiko Barzaga dahil sa anilay “disorderly behavior” at “conduct unbecoming” bilang isang mambabatas.

Sinabi ni Garcia na nakipag-ugnayan na sila sa Pangulo upang makahingi ng tulong-pinansyal, kabilang ang posibilidad na gamitin ang contingency fund ng pamahalaan.

Samantala, tinuran ni Castro na maaaring gamitin ng Comelec ang ‘available fund’ nito para sa eleksyon. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here