Home NATIONWIDE Extension ng P50/kg price cap sa bigas irerekomenda ng DA

Extension ng P50/kg price cap sa bigas irerekomenda ng DA

2
0

MANILA, Philippines – IREREKUMENDA ng Department of Agriculture (DA) ang ekstensyon ng P50-per-kilo maximum suggested retail price (MSRP) para sa bigas, na nakatakdang mag-expire o mapaso sa Hunyo 30.

Sa nasabing press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralang mabuti ng DA ang posibilidad na palawigin ang hakbamg upang panatilihin ang presyo ng bigas na abot-kaya para sa mga consumers.

“Ang sabi po mismo ng DA ay magrerekomenda pa rin po sila ng extension of the price cap, at ito naman po ay titingnan po natin kung sasang-ayunan pa rin po ng National Price Coordinating Council at kung aaprubahan ng Pangulo. Pero magrerekomenda po sila ng extension for the price cap,” ang sinabi ni Castro.

Gayunman, sinabi ni Castro na wala pang nagagawang pinal na desisyon, ang panukala ay kailangan na sumailalim sa masusing ebalwasyon ng National Price Coordinating Council bago pa isumite sa pag-apruba ng Pangulo.

At nang tanungin kung maaaprubahan ba ang ekstensyon bago mag- June 30, sinabi ni Castro na nananatili itong layunin ng DA.

“Iyon po ang inaaral ng DA at iyan po ang nais nila,” aniya pa rin.

Samantala, kinumpirma naman ni Castro na may ilang rice retailers ang sumasailalim ngayon sa mbestigasyon ukol sa di umano’y bigong pagsunod o hindi pagsunod sa government-imposed price cap.

Ani Castro, sinimulan na ng DA ang pagpapalabas ng notices sa mga establisimyento na pinaghihinalaang lumabag sa polisiya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“So, sa ngayon po ay iniimbestigahan po ito kaya po hinihikayat natin ang mga kababayan po natin, sa mga nakikita ninyo pong umaabuso patungkol sa presyo ng bigas, ipagbigay-alam lamang po ninyo sa …kahit po sa amin dito at sa Department of Agriculture para po ito ay maimbestigahan at mapanagot na ang dapat na mapanagot,” ang dagdag na pahayag ni Castro.

Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang publiko na tumulong sa pagmomonitor ng pagsunod sa rice price cap sa pamamagitan ng pagre-report ng anumang pinaghihinalaang paglabag sa tamang awtoridad.

Tinuran ni Castro na hindi pa makapagbibigay ang DA ng eksaktong numero ng rice retailers na kasalukuyang iniimbestigahan subalit kumpirmadong nabigyan na ng notices ang ilang establisimyento para sa posibleng paglabag. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here