Home HOME BANNER STORY Patay sa Mindanao quake, 55 na — OCD

Patay sa Mindanao quake, 55 na — OCD

3
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa 55 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Sinabi ni OCD deputy spokesperson Diego Mariano nitong Biyernes na nasa 1,120 katao ang naiulat na nasugatan habang 31 naman ang patuloy na nawawala.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 346,449 katao o 75,324 pamilya mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang naapektuhan ng lindol.

Sa kabuuang bilang ng mga naapektuhan, 16,349 katao o 3,515 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center, habang 29,260 katao o 7,279 pamilya ang pansamantalang nakikitira sa ibang lugar.

Nagdeklara na rin ng state of calamity sa buong lalawigan ng Davao Occidental, mga bayan ng Malapatan at Glan sa Sarangani, at sa General Santos City dahil sa pinsalang dulot ng malakas na lindol. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here