Home HOME BANNER STORY Marcos kinilala ang liderato ni Gatchalian sa Araw ng Kalayaan

Marcos kinilala ang liderato ni Gatchalian sa Araw ng Kalayaan

3
0

MANILA, Philippines — Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang liderato ni Senador Sherwin Gatchalian sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan nitong Biyernes.

Sa kanyang talumpati sa Quirino Grandstand sa Maynila, tinukoy ni Marcos si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore habang binabati ang mga opisyal at panauhin sa programa.

Personal na dumalo si Gatchalian sa naturang selebrasyon.

Dumating ang pagkilalang ito matapos ang sesyon ng Senado noong Hunyo 3 kung saan 12 senador ang nagdeklara ng quorum batay sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Avelino v. Cuenco noong 1949. Sa naturang sesyon, idineklarang bakante ang lahat ng halal na posisyon sa Senado, kabilang ang posisyon ng Senate president.

Kasunod nito, inihalal si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at idineklara ng mga dumalong senador bilang acting Senate President.

Gayunman, iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang “legitimate, legal, moral Senate President.”

Mas maaga ring pinangunahan ni Marcos ang flag-raising ceremony at wreath-laying rites sa Rizal Monument bilang bahagi ng paggunita sa Araw ng Kalayaan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here