Home HOME BANNER STORY Satisfaction ratings ng Senado, Kamara, Supreme Court bumaba sa Q1 SWS survey

Satisfaction ratings ng Senado, Kamara, Supreme Court bumaba sa Q1 SWS survey

5
0

MANILA, Philippines — Bumaba ang satisfaction ratings ng Senado, House of Representatives, at Supreme Court sa unang quarter ng 2026, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations na inilabas nitong Huwebes.

Isinagawa ang nationwide survey mula Marso 24 hanggang 31 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 Filipino adults. Ginawa ang survey bago ang mga naging kaguluhan sa Senado, kabilang ang shooting incident, lockdown, at mga pagbabago sa liderato.

Nagtala ang Senado ng +11 net satisfaction rating, mas mababa sa +14 noong Nobyembre 2025. Sa survey, 42 percent ng respondents ang nagsabing satisfied sila sa performance ng Senado, habang 31 percent ang dissatisfied.

Nakuha naman ng House of Representatives ang +13 net satisfaction rating, bahagyang mas mababa sa dating +14, matapos makapagtala ng 42 percent satisfaction at 29 percent dissatisfaction.

Bumaba rin sa +11 ang rating ng Supreme Court mula sa +17 noong Nobyembre 2025, kung saan 42 percent ang satisfied at 30 percent ang dissatisfied.

Sa kabila ng pagbaba, sinabi ng SWS na nanatili sa “moderate” category ang ratings ng tatlong institusyon.

“Both the Senate and the House had previously reached ‘good’ net satisfaction levels in June 2025 before slipping to ‘neutral’ in September 2025 and recovering to moderate levels in November 2025 and March 2026. The SC also peaked at a good rating in June 2025 before settling at moderate levels in succeeding surveys,” ayon sa poll body.

Pinakamataas ang satisfaction scores ng tatlong institusyon sa Mindanao. Nagtala ang Senado ng +26 sa Mindanao, +14 sa Visayas, +9 sa Balance Luzon, at -13 sa Metro Manila.

Nakuha rin ng House ang pinakamataas nitong rating sa Mindanao na +26, kasunod ang Visayas na +18, Balance Luzon na +9, at Metro Manila na -5.

Pinakamataas din ang rating ng Supreme Court sa Mindanao na +26, kasunod ang Visayas na +14, Balance Luzon na +9, at Metro Manila na -13.

Ayon sa SWS, bumaba ang ratings ng Senado at Supreme Court sa karamihan ng mga lugar maliban sa Mindanao, habang ang pagtaas ng rating ng House sa Mindanao ay nabawi ng pagbaba sa Balance Luzon at Metro Manila. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here