Home METRO 8 tulak laglag sa P238K ‘bato’, bakal sa Bulacan buy-bust ops

8 tulak laglag sa P238K ‘bato’, bakal sa Bulacan buy-bust ops

4
0

Bulacan – Arestado ang walong indibiduwal matapos umanong mahulihan ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong gabi ng June 11.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, ikinasa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Unit bandang 7:00 ng gabi sa Brgy. Gaya-gaya.

Ayon sa ulat, nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng walong suspek nang magbenta ang isa rito ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P500 sa undercover.police operative.

Sa isinagawang body search, nakumpiska sa mga suspek na nasa lugar ang karagdagang 10 sachets ng hinihinalang shabu, cut-open sachet na may hinihinalang shabu, glass pipe na may residue.dalawang disposble lighter, wallet, buy-bust money at magnum cal .22 revolver na kargado ng dalawang bala.

Sinasabing ang kabuuang nakumpiskang hinihinalang shabu ay
nasa 35 gramo at may standard drug price na P238,000.00..

Dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit at SJDM Satellite Forensic Unit para sa laboratory examination habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here