ILOCOS NORTE, Philippines – Apatnapu’t isang (41) fresh graduates ang agad na natanggap sa trabaho sa “Trabaho Agad” job fair na isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa SM City sa Ilocos Norte bilang bahagi ng pagdiriwang ng 128th Independence Day.
Dumalo sa job fair ang 25 lokal at 2 overseas employers na nag-alok ng kabuuang 1,929 job openings, kung saan karamihan sa mga aplikante ay mga bagong graduate mula sa kolehiyo.
Sa halos 500 job seekers na lumahok, 41 ang nakapasok agad sa trabaho.
Bukod sa job matching, nagsilbi ring one-stop shop ang event para sa pagproseso ng pre-employment requirements, sa tulong ng iba’t ibang ahensya tulad ng DSWD, TESDA, NBI, SSS, Pag-IBIG, at Civil Service Commission.
Ayon sa DOLE-Ilocos Norte, patuloy nilang mino-monitor ang mga bagong hired upang matulungan sa agarang pagproseso ng kanilang mga kinakailangang dokumento. RNT/MND