Home METRO Tserman itinumba habang nagcecellphone sa kalsada

Tserman itinumba habang nagcecellphone sa kalsada

4
0

ILOCOS SUR, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 39-anyos na tserman ng barangay matapos pagbabarilin sa bayan ng Cabugao ng lalawigang ito nitong Biyernes ng hapon, Hunyo 12.

Ayon sa Cabugao MPS, ang biktima ay tserman ng Brgy. Turod-Patac, Cabugao, Ilocos Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay nakaupo habang  nagcecellphone malapit sa kalsada sa harap ng bahay ng isa nilang kalugar nang dumating at  huminto ang isang kulay puting Toyota pickup.

Dalawang hindi nakilalang lalaki ang bumaba at agad na  pinagbabaril ang biktima.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Isinugod sa Suero General Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here