MANILA, Philippines – ISANG hinihinalang tulak ng illegal na droga ang swak sa selda matapos kumagat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, Kknilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Moching”, 37, ng Brgy., Graceville, CSJDM Bulacan.
Batay sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang buy bust operation laban sa suspek sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities nito.
Ang signal mula sa kanilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na positibo na ang transaksyon ang naging hudyat sa mga operatiba ng SDEU na agad lumapit at arestuhin ang suspek alas-10:40 ng gabi sa tabi ng Casa Elena Resort sa Mahabang Parang St., Brgy., Bignay.
Sa imbestigasyon PSSg Cris Paul Collo, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 10 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P68,000, nasa 600 grams ng hinihinalang pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P72,000, buy bust money at gamit niyang motorsiklo. Merly Duero