MANILA, Philippines – Nakaranas ng coastal uplift ang ilang bahagi ng Sarangani at Davao Occidental bunsod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Nakita ng PHIVOLCS ang co-seismic shifts, o ang pagtaas ng lupa dahil sa lindol sa ilang coastal areas na naapektuhan nito.
Sa Barangay Pangyan sa Glan, Sarangani, ay lumitaw sa taas ng sea level ang bahagi ng dalampasigan na dati ay nakalubog sa tubig-dagat at nakita na ang mga coral reef na dati ay nasa ilalim ng dagat.
May ganito ring insidente ang iniulat sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.
“There is still a possibility that other areas may have experienced coastal uplift once our field personnel are able to visit and assess more locations,” sinabi ni Dandy Camero, science research assistant sa PHIVOLCS. RNT/JGC






