MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Commission on Elections (Comelec) sa disposal ng mahigit 2.4 milyong official ballots na inimprenta para sa postponed BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) parliamentary elections, na dapat sana ay noong Oktubre 13, 2025.
Noong Marso 2025, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang isang batas ang
Republic Act No. 12317, na nagpapaliban sa unang regular BARMM elections sa ikalawang Lunes ng Setyembre ngayong taon.
Pinalawig din ang transition period upang bigyang daan ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority na patuloy na mamahala “unless replaced by the President or their tenure shortened by their election to a different office.”
Sa social media post, sinabi ng Comelec na sisirain ang nasa 2,420,904 balota upang masiguro na ang mga ito ay hindi magagamit sa anumang paraan at mapanatili ang integridad, seguridad, at kredibilidad ng election processes.
Siniguro rin nito na ang disposal ng mga balota, na nakaimbak sa Comelec Biñan warehouse sa Laguna, ay naaayon sa umiiral na panuntunan at pamamaraan ng komisyon.
Sakop ng eleksyon ang limang probinsya (Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur and Tawi-Tawi); Special Geographic Areas na binubuo ng 63 barangay sa North Cotabato; 32 distrito; tatong lungsod; 105 munisipalidad at 2,185 barangay.
Hanggang noong Abril ay may 2.3 milyong rehistradong botante na sa BARMM; 1,186 voting centers; 14,2596 tinatayang established precincts; at 4,883 tinatayang clustered precincts. RNT/JGC