Home TOP STORIES Nurse itinalagang pangulo ng Pamana Water

Nurse itinalagang pangulo ng Pamana Water

15
0

Naging paksa ng diskusyon sa sektor ng tubig ang kamakailang pagbabago sa pamunuan ng Pamana Water kasabay ng inaasahang mas malaking papel ng kumpanya sa pamamahala ng mga operasyong dating hawak ng PrimeWater.

Batay sa impormasyong nakalap, itinalaga si Paula Jane Salon bilang bagong presidente ng Pamana Water. Ang appointment ay nagdulot umano ng magkakaibang pananaw sa loob ng kumpanya, ayon sa mga source na may kaalaman sa usapin.

Ayon sa ilang source, may mga opisyal na nagpahayag ng pangamba kaugnay ng mga kwalipikasyong kinakailangan sa pagpapatakbo ng isang water utility company, partikular sa mga larangan ng engineering, water sourcing, treatment operations, regulatory compliance, environmental management, at crisis response.

Sinabi ng mga source na mahalagang salik sa isang water utility operator ang malawak na karanasan sa teknikal at operasyonal na aspeto ng industriya dahil direktang nakaaapekto ang mga desisyon nito sa kalidad at tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa mga konsyumer.

Sa mga nakalipas na taon, nakilala ang Pamana Water bilang isa sa mga pribadong water utility operators sa bansa. Kaugnay rin ito ng mga water utility investments ng negosyanteng si Lucio Co.

Samantala, inaasahan ng ilang stakeholder sa sektor ng tubig na makatutulong ang pagbabago sa pamunuan upang matugunan ang mga hamon sa mga lugar na pinaglilingkuran ng mga water utility operators.

Ang PrimeWater, na nagseserbisyo sa iba’t ibang water districts sa bansa, ay naging paksa rin ng mga reklamo at pagdinig sa mga nakalipas na taon kaugnay ng kalidad at paghahatid ng serbisyo sa ilang lugar.

Ayon sa ilang source, mahalagang mabigyang-linaw ng bagong pamunuan ang kanilang mga plano at estratehiya upang tugunan ang mga umiiral na hamon sa sektor ng tubig at mapanatili ang tiwala ng mga consumer at lokal na water districts.

Matatandaang naging bahagi rin ng ilang pagdinig sa Kongreso ang mga usapin kaugnay ng operasyon at regulatory approvals na may kaugnayan sa sektor ng water utilities. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here