MANILA, Philippines – Isinuko ng kampo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nasa 20 rehistradong armas nito sa Philippine National Police.
Ang mga armas ay nakarehistro sa senador at sa address nito sa Barangay Ma-a, Davao City.
Nagtungo sa PNP Regional Civil Security Unit sa Region 11 ang legal representative ni Dela Rosa para isuko ang mga ito.
Binigyan naman ng acknowledgment receipt ang kampo ni Dela Rosa.
Matatandaan na noong Mayo 27 ay binawi ng PNP ang mga lisensya ng mga armas ni Dela Rosa, na ngayon ay nahaharap sa arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC). RNT/JGC