Home NATIONWIDE Visayas grid isasailalim sa yellow alert

Visayas grid isasailalim sa yellow alert

2
0

MANILA, Philippines – Isinailalim sa yellow alert status ang Visayas grid ngayong Lunes, Hunyo 15 dahil sa unavailability ng apat na generating units ng major coal-fired power plants at hindi sapat ang avilable capacity para matugunan ang contingency requirements.

Sa abiso, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines, na nasa ilalim ng yellow alert ang grid mula alas-4 ng hapon hangang alas-9 ng gabi sa available capacity na 2,581 megawatts (MW) at peak demand na inaasahang aabot sa 2,482MW.

Nananatili sa forced outage ang units 1 at 2 ng Therma Visayas Inc., unit 3 ng Panay Energy Development Corporation, at unit 1 ng KEPCO SPC Power Corp.

Ngayong buwan pa lamang ang siyam na power plants ang naka-forced outage, walo mula Mayo, isa mula Marso, tatlo mula 2025, dalawa mula 2024, dalawa mula 2023, at isa mula pa noong 2021.

Mayroon namang kabuuang 11 planta ang nag-ooperate sa derated capacities, dahilan para umabot sa total lost capacity ng grid sa 953.1MW. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here