Home NATIONWIDE P2.6M ismagel na sigarilyo nasamsam sa Cotabato

P2.6M ismagel na sigarilyo nasamsam sa Cotabato

1
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P2.6 milyong halaga ng umano’y ismagel na sigarilyo at naaresto ang dalawang suspek sa checkpoint sa Cotabato City.

Sa ulat, tinangka pa ng mga ito na takasan ang mga awtoridad sa naturang checkpoint.

Ayon kay Brig. Gen. Alan Manibog, director ng Police Regional Office-12 (PRO-12), ang operasyon ay nagsimula sa Barangay South Manuangan matapos parahin ng mga pulis ang isang Isuzu Forward cargo truck na kargado ng imported na sigarilyo.

Ani Manibog, inatasan nila ang drayber na gumilid para sa inspeksyon ngunit bigla na lamang humarurot ito palayo.

Naharang naman ang truck sa isa pang checkpoint sa Barangay North Manuangan, dahilan para arestuhin ang drayber na kinilala sa alyas “Gadol,” 30, at helper nitong si alyas “Kadit,” 18, kapwa residente ng Cotabato City.

Narekober sa inspeksyon ang 43 master cases ng Berlin brand cigarettes at 950 reams ng Fort Menthol cigarettes.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang Isuzu Forward truck.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kaukulang kaso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here