Home NATIONWIDE 5 arestado sa P6.8M shabu sa Marawi drug bust

5 arestado sa P6.8M shabu sa Marawi drug bust

2
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang limang indibidwal kabilang ang isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Basak Malutlut, Marawi City.

Sa pahayag, kinilala ni Police Maj. Mohammad Ridhwhan Ombawa, commander ng Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (RDEU-PRO BAR), ang mga suspek na sina Mawiya Gunting, alyas “Paks,” 56; Khadaffy Ampuan, 45; Ibrahim Mayasa, 52; Hassanor Gunting, 22; at Aisa Gunting, 48, pawang mga residente ng Lanao del Sur.

Isinagawa ang operasyon 2:30 ng hapon ng Linggo, Hunyo 14 na pinangunahan ng RDEU-PRO BAR sa suporta ng iba pang mga unit ng pulisya sa Marawi.

Nasamsam ng mga awtoridad ang malaking tea bag na naglalaman ng isang kilo ng shabu at nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Narekober din sa mga suspek ang 10 bundle ng marked money, isang gray na Toyota Avanza na may plate number NAU-1598, mobile phones, at mga dokumento.

Naka-detain ang mga suspek sa Marawi City Police Station at nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here