Home NATIONWIDE Lalaking may epilepsy nalunod habang naghihintay ng bangka

Lalaking may epilepsy nalunod habang naghihintay ng bangka

3
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang hinihinalang nalunod nang sinumpong sa sakit na epilepsy habang naghihintay ng parating na bangka na may lamang isda na pambenta sa Port ng Naic, Cavite nitong Linggo ng madaling araw, Hunyo 14.

Ayon sa report, naisugod pa sa San Lorezo Ruiz Hospital ang biktimang si alyas Richard ng Brgy Uno, Timalan, ng nasabing bayan subalit idineklarang dead on arrival.

Base sa ulat, bandang alas-12:30 ng madaling araw ay naghihintay ng bangka na may laman na isda ang biktima sa Bulungan, Munting Capino, para dalhin ito sa palengke habang nakatayo sa isang mababaw na bahagi ng dagat.

Napag-alaman mula sa mga kamag-anak ng biktima na sinumpong ng kanyang epilepsy ang biktima at natumba na nagresulta sa kanyang pagkakalunod.

Kinumpirma rin ng magulang ng biktima na may sakit na epilepsy ang kanilang anak. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here