Home NATIONWIDE Suspek sa pag-deface ng mga website ng gobyerno, natukoy na ng NBI

Suspek sa pag-deface ng mga website ng gobyerno, natukoy na ng NBI

3
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na natukoy na nito ang mga indibidwal na hinihinalang nasa likod ng pag-deface sa ilang website ng gobyerno nitong nakaraang weekend.

Kabilang sa mga naapektuhang website ang sa NBI, Senado, at House of Representatives, na magkakahiwalay na pinasok at binago ang laman.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, magkakaibang tao ang sangkot sa mga insidente ngunit kabilang umano sila sa iisang grupo.

Hindi muna isinapubliko ng NBI ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at pagbuo ng mga posibleng kaso laban sa kanila.

Tiniyak naman ni Matibag na walang sensitibong datos na naapektuhan sa mga insidente.

Samantala, sinabi ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center Director Renato Paraiso na maaaring maharap ang mga sangkot sa kasong computer manipulation at malicious mischief dahil sa pag-atake sa mga website ng gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here