MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pansamantalang water service interruption sa ilang bahagi ng Maynila sa susunod na linggo dahil sa nakatakdang maintenance works ng Maynilad Water Services Inc.
Ayon sa Maynilad, layunin ng mga aktibidad na mapanatili ang ligtas at maaasahang water distribution system sa West Zone, at isasagawa ito sa off-peak hours upang mabawasan ang abala sa mga residente.
Mga apektadong lugar:
Barangays 51, 603, 605, 610–612, at 614–616
Walang tubig mula 10 a.m. June 15 hanggang 3 p.m. June 16 dahil sa network maintenance sa Magistrado Arellano corner Magistrado Mapa.
Barangays 124–146 at 177
Mawawalan ng tubig mula 10 p.m. June 15 hanggang 6 a.m. June 16 dahil sa network diagnostic at leak localization sa Honorio Lopez Boulevard.
Mas malawak na area (iba’t ibang barangay sa Maynila kabilang Tondo, Sta. Cruz, at Rizal Avenue area)
Magkakaroon ng daily water interruption mula 11 p.m. hanggang 5 a.m., June 14–21.
Barangays 98–101, 105, at 106
Mawawalan ng tubig mula 10 p.m. June 17 hanggang 6 a.m. June 18 dahil sa maintenance sa C3 Road.






