Home METRO OCD walang nakikitang senyales ng buhay sa 36 nawawala sa Mindanao quake

OCD walang nakikitang senyales ng buhay sa 36 nawawala sa Mindanao quake

4
0

MANILA, Philippines – Wala nang nakikitang senyales ng buhay sa 36 katao na patuloy na nawawala mahigit isang linggo matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) sa isang press briefing noong Lunes, karamihan sa mga nawawala ay pinaniniwalaang natabunan ng malalaking landslide sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

“Yes,” ayon kay OCD Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV nang tanungin kung wala na talagang indikasyon ng buhay sa mga na-trap.

Lahat ng 36 missing ay mula sa Jose Abad Santos, kung saan nagkaroon ng ilang landslide matapos ang lindol noong Hunyo 8. Ayon sa opisyal, may isang barangay na tinatawag na Patulang kung saan 10 katao ang nawawala, kabilang ang pitong miyembro ng iisang pamilya na natabunan.

Ibinahagi rin niya na sa isang landslide site, itinigil na ang search operations dahil sa laki ng gumuhong lupa at hirap ng pagpasok ng heavy equipment.

“So it’s very hard. Hindi po makaakyat yung mga equipment at talagang mano-mano. So nag-rechannel na lang tayo ng mga resources doon sa mga ibang areas na nangangailangan ng relief teams,” dagdag niya.

Ibig sabihin, inilipat na lamang ang ilang resources sa ibang lugar na nangangailangan ng tulong.

Ayon sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, umabot na sa 65 ang patay, 1,447 ang sugatan, at 36 ang nawawala dahil sa lindol.

Apektado rin ang mahigit 176,000 pamilya sa Mindanao, kung saan libo-libo pa rin ang nasa evacuation centers o pansamantalang displaced. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here