Home NATIONWIDE Senate probe ikinasa ni Gatchalian vs grading system sa mass promotion ng...

Senate probe ikinasa ni Gatchalian vs grading system sa mass promotion ng DepEd

5
0

MANILA, Philippines – Inihain ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian  ang Proposed Senate Resolution No. 429  upang repasuhin ang grade transmutation policy ng Department of Education (DepEd), na hindi nakatutulong sa mag-aaral.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na itinuturong ang polisiyang ito na may malaking ambag sa pagpasa ng isang mag—aral sa susunod na baiting kahit hindi pa nila taglay ang inaasahang kakayahan para sa kanilang grade level.

Nakapaloob sa DepEd Order No. 8 s. 2015 ang grade transmutation table para sa Grade 1 hanggang Grade 12.

Sa ilalim ng polisiyang ito, ang Initial Grade ng isang mag-aaral mula sa weighted scores ng iba’t ibang assessment components ay kino-convert sa mas mataas na Quarterly Grade gamit ang isang transmutation formula.

Halimbawa, ang mga makakakuha ng Initial Grade na 60 ay magkakaroon ng transmuted grade na 75.

Ang average ng Quarterly Grades ng isang learner ang nagiging batayan ng kanyang Final Grade. Ang mga learner na makakakuha ng Final Grade na hindi bababa sa 75 ay ipinapasa para sa susunod na baitang.

Dahil dito, maaari pa ring makapasa sa susunod na baitang ang mga estudyanteng may Initial Grades na mas mababa sa traditional passing mark dahil sa mas mataas na grade equivalents na nililikha ng transmutation.

“Ang ganitong practice ay maaaring magbigay-daan upang maka-advance ang mga estudyante sa susunod na grade level kahit hindi pa nila ganap na nama-master ang mahahalagang aralin,” ani Gatchalian.

“Kung nais nating matuldukan ang krisis sa edukasyon, kailangang tiyakin nating nasusukat natin sa tamang paraan ang kakayahan ng ating mga mag-aaral,” dagdag pa niya.

Inilabas kamakailan ng DepEd ang updated grading system nito (DepEd Order No. 015 s. 2026), kung saan nakasaad ang adjusted transmutation table para sa Grades 4 to 12, kabilang ang Grades 2 and 3 na nagpapatupad pa rin ng numerical grading system.

Sa ilalim ng bagong polisiya, ang initial grade na 70 hanggang 71.17 ay magkakaroon ng transmuted grade na 75 para sa School Year (SY) 2026-2027.

Magsisilbing transition ang polisiyang ito patungo sa zero-based grading system simula SY 2027-2028, kung saan irereport ang computed grade nang walang transmutation.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here