Home METRO Misis utas sa sumemplang na motorsiklo

Misis utas sa sumemplang na motorsiklo

1
0

ILOCOS SUR-Hindi nagawang makaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 56-anyos na misis matapos sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo sa national highway sa Brgy. Panay Norte, Magsingal ng lalawigang ito nitong Linggo, Oktubre 11.

Ayon sa Cabugao MPS, ang biktima ay residente ng Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Nangyari ang insidente bandang alas-2:30 ng madaling-araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang biktima papuntang timog.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang biktima hanggang sa sumemplang sa kalsada ang kanyang motorsiklo.

Resulta nito, nagtamo ng fatal injuries ang biktima.

Ang biktima ay isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan.

Gayunman,ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here