Home HOME BANNER STORY Senado dinagsa ng mga raliyista; ‘Sara, Sara Labandera’ chant, muling umalingawngaw

Senado dinagsa ng mga raliyista; ‘Sara, Sara Labandera’ chant, muling umalingawngaw

1
0

MANILA, Philippines – Nagtipon sa labas ng Senado ang mga raliyista para hilingin na hatulang guilty si Vice President Sara Duterte, habang papalapit na sa pagtatapos ang House prosecution sa pagprisinta ng mga testigo at dokumento sa Senate impeachment court.

Tinatayang 12,500 katao ang sumali sa protesta sa Jose W. Diokno Boulevard, ayon sa Akbayan Party-list, isa sa mga nag-organisa ng rallly.

Nasa 2,500 ang mula sa Akbayan, habang 10,000 naman ang mula sa iba pang civil society group, ayon sa mga organizer.

Sumama sa demonstrasyon ang Akbayan at Mamamayang LIberal Party-list, kasama ang iba’t ibang youth group at civil society organization. Hinihiling nila na managot si Duterte sa mga alegasyon tungkol sa kanyang yaman.

Muling inawit ng mga raliyista ang pamilyar na katutubong awiting “Gloria Gloria Labandera,” at pinalitan ng “Sara” ang pangalan sa lyrics para batikusin ang Bise Presidente dahil sa nalantad na unexplained wealth.

Narinig ang binagong chant sa mga rally na humihiling na panagutin si VP Sara at patalsikin sa pwesto.

Ang nasabing chant ay dating isinisigaw ng mga rallyista laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

May dagdag na ugnayang pulitikal ang pagbabalik ng awitin, dahil itinuturing si Arroyo na mentor ni Duterte.

Nagkaroon ng protesta habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings sa Senado, kung saan inilalatag ng House prosecution ang mga financial record at testimonya para suportahan ang mga paratang laban sa Bise Presidente na nagkamal ito ng illegal na yaman at ang kanyang mga yaman at ilang taon na hindi isinama sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth(SALN). Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here