MANILA, Philippines — Walang nakasungkit ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 draws na isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Lunes, Hunyo 15.
Lumabas ang kumbinasyong 08-44-43-24-04-11 para sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot na ₱45 milyon, ngunit walang tumama sa lahat ng anim na numero.
Samantala, ang winning combination sa Mega Lotto 6/45 ay 44-14-10-21-35-18 para sa jackpot na ₱60.46 milyon. Wala ring nakapag-uwi ng pangunahing premyo.
Nakatakdang idaos ang susunod na draws ng dalawang lotto games sa Miyerkules, Hunyo 17. RNT