Home TOP STORIES UNICEF: Higit 1B bata, apektado ng tatlo o higit pang climate hazards

UNICEF: Higit 1B bata, apektado ng tatlo o higit pang climate hazards

3
0

NEW YORK, USA – Nagbabala ang UNICEF na mahigit 1.1 bilyong bata sa buong mundo ang exposed sa hindi bababa sa tatlong magkakapatong na climate hazards, habang binigyang-diin ang mas matinding epekto sa ilang rehiyon.

Batay sa ulat, sinuri ng UN agency ang lokasyon ng humigit-kumulang 2.4 bilyong bata sa mundo at inihambing ito sa walong pangunahing climate impacts: coastal flooding, river flooding, drought, tropical storms, heat waves, extreme heat, wildfires, at sandstorms.

Pinakamadalas na kombinasyon ng panganib ay tagtuyot, matinding init (lampas 35°C), at heat waves, na tumatama sa tinatayang 296 milyong bata. Kabilang dito ang 74 milyon sa Nigeria, 34 milyon sa Pakistan, at 32 milyon sa India.

Ayon sa ulat, halos lahat ng bata sa mundo (2.3 bilyon) ay exposed sa kahit isang climate risk, 2 bilyon sa dalawa, at 364 milyon sa apat o higit pa. May 123,000 bata pa na exposed sa pito o higit pang hazards, at 46,000 dito ay nasa Myanmar.

“Children are at the forefront of the impact of climate change,” sabi ni UNICEF chief Catherine Russell.

“But they’re not all equal… we do see some hot spots… it’s really concentrated in Sub-Saharan Africa and parts of South Asia,” ayon sa report author na si Tom Slaymaker.

Kabilang sa pinaka-apektado ang mga bansa sa Sub-Saharan Africa tulad ng Chad, kung saan mahigit 95% ng mga bata ay exposed sa at least tatlong hazards dahil sa kakulangan sa tubig, kuryente, at pagkain.

Apektado rin ang 39 island states na mahina sa bagyo, limitadong tubig, at kakulangan ng proteksyon sa sakuna.

Binigyang-diin ng ulat na walang bansang ganap na ligtas, ngunit may ilang lugar sa Northern Hemisphere na may mas kaunting exposure sa ilan sa mga hazards, bagama’t may iba pa ring climate risks tulad ng pagkatunaw ng yelo at permafrost. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here