PALU, Indonesia – Yumanig ang magnitude 6.7 na lindol sa gitnang Indonesia nitong Martes, ayon sa US Geological Survey, ngunit wala pang ulat ng nasawi o pinsala.
Tumama ang lindol sa timog-silangan ng Palu, sa Central Sulawesi, bandang 10:27 a.m. Ramdam ito sa Palu at Sigi, ngunit ayon sa Indonesia’s Meteorology, Climatology, and Geophysics Agency, walang banta ng tsunami.
Matatandaang ang Indonesia ay madalas tamaan ng lindol dahil nasa tinatawag na Pacific “Ring of Fire,” isang lugar kung saan nagbabanggaan ang mga tectonic plates. Noong 2018, isang magnitude 7.5 na lindol at tsunami sa Palu ang kumitil sa mahigit 2,200 katao. RNT/MND