Home METRO Inspeksyon ng food establishments sa Baguio, hinigpitan matapos ng viral rat incident

Inspeksyon ng food establishments sa Baguio, hinigpitan matapos ng viral rat incident

3
0

BAGUIO CITY, Philippines – Iniutos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mas mahigpit na inspeksyon at mas mabigat na parusa sa mga food establishments matapos kumalat online ang video na umano’y may daga sa isang mangkok ng sinigang na inihain sa isang buffet restaurant.

Nag-utos ang city government ng imbestigasyon at humingi rin ng paumanhin sa mga apektadong customers. Ayon kay Magalong, papatawan ng kaukulang parusa ang restaurant kapag natapos na ang imbestigasyon.

“We really need to sanction that restaurant. After the investigation, there will be charges, and the owner of that establishment will face corresponding penalties,” ani Magalong.

Nilinaw din niya na hindi maaaring basta-basta muling magbukas ang mga establisyementong isinasara dahil sa health violations, at kailangan muna itong muling ma-inspect at mabigyan ng clearance.

Kasabay nito, pinaigting ng lungsod ang inspeksyon sa mga food establishments sa Baguio, kabilang ang Jungletown at iba pang lugar, dahil sa mga isyu sa sanitation.

Ayon pa sa alkalde, may mga ulat din ng pagdami ng daga sa Baguio City Public Market at iba pang lugar, na iniuugnay sa hindi pagsunod ng ilang vendors sa sanitation rules tulad ng pest control at malinis na pasilidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here