Nagsagawa ng protesta sa Maynila noong Hunyo 16, 2026 ang iba’t ibang grupo ng konsyumer, commuters, migrante, manggagawa at mga advocate, kabilang ang Gabriela Women’s Party at Kabataan Party List, upang tutulan ang privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at panawagang suportahan ito ng Korte Suprema.
Kasama rin sa nagprotesta ang Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauunlad ng Bayan (SUKI), Para Commuters Network, Sandigan PH, at Concerned Seafarers of the Philippines.
Ayon sa mga nagtipon, ang privatization ng NAIA sa ilalim ng pamamahala ng San Miguel Corporation ni Ramon Ang ay nagresulta umano sa pagtaas ng mga bayarin sa pasahero, renta, at iba pang charges.
Giit ng mga grupo, ang pagtaas ng singil ay nagdudulot ng mas malaking kita sa korporasyon habang nagpapasan ng dagdag na gastos ang mga ordinaryong pasahero, maliliit na negosyo, manggagawa, at mga migrant worker. ERIC OCAPAN