Home HOME BANNER STORY Paglipat ng 2 Senador sa Gatchalian bloc, pinipigilan ni Cayetano – Tulfo

Paglipat ng 2 Senador sa Gatchalian bloc, pinipigilan ni Cayetano – Tulfo

1
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senator Erwin Tulfo na may hindi bababa sa dalawang senador na nais umanong lumipat sa kanilang grupo ngunit pinipigilan umano ni Senator Alan Peter Cayetano.

Sa panayam sa DZBB nitong Martes, Hunyo 16, sinabi ni Tulfo na bukod kay Joel Villanueva, may dalawa pang senador na nais makipagtrabaho sa kanilang bloc, kabilang ang isa mula sa Mindanao.

“Mayroon diyang dalawa, at least dalawa na senador na nagpahayag, nagparating na gusto nilang magtrabaho. Kinokontra lang, pinipigilan ni Senator Alan Cayetano. Kaya hindi makapasok,” aniya.

Ayon pa kay Tulfo, natatakot umano ang dalawang senador sa posibleng batikos mula sa mga vlogger at troll.

“Dahil ang banta rin sa kanila, ‘pag pumasok kayo diyan, yung backlash, yung banat sa inyo ng mga vlogger, mga troll, sisirain ang buhay niyo,” saad pa niya.

Dahil dito, pinag-iisipan umano ng dalawang senador kung paano sila makakalipat nang hindi maaapektuhan ang kanilang pamilya.

Sinabi rin ni Tulfo na maaaring lumaki pa sa 15 miyembro ang kanilang bloc, depende kay Cayetano. Aniya, mas mabuti kung dadalo si Cayetano sa espesyal na sesyon ng Senado.

Matatandaang nagpatawag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special session ng Kongreso sa Hunyo 17 upang talakayin ang mga prayoridad na panukalang batas na hindi pa naipapasa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here