Home NATIONWIDE Pagwawakas ng gulo sa MidEast, pangmatagalang kapayapaan, dalangin ni PBBM sa pagkakasundo...

Pagwawakas ng gulo sa MidEast, pangmatagalang kapayapaan, dalangin ni PBBM sa pagkakasundo ng US, Iran

3
0

MANILA, Philippines – Umaasa at dumadalangin si Pangulong Ferdinand R. Marcos na tuluyan na ngang matatapos ang giyera sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa gitna ng nakatakdang pagtinta ng kasunduan para sa isang peace deal.

Sa joint press briefing nina Pangulong Marcos at German President Frank-Walter Steinmeier, sinabi ng Pangulo na ito ang matagal na niyang hinihintay at ito ang isa sa pinakamagandang balitang inaasahan ng lahat.

Ayon sa Pangulo, lubha aniyang nakaapekto ang labanan sa maraming bansa sa buong mundo gaya ng Germany at Pilipinas na nagpahirap sa buhay ng mga tao.

Sa ngayon, marami aniya ang naghihintay sa magiging kaganapan ng napipintong kasunduan na sana ay wala ng anomang maging hadlang para magsimula na ding makabangon ang ekonomiya.

Umaasa din ang Pangulo na sa lalagdaang agreement ay mawawakasan na din ang kalbaryong nararanasan mula sa pagsirit sa.presyo ng langis na epekto ng gulo sa gitnang silangan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here