Ligtas nang nakabalik sa bansa ang kabuuang 165 Pilipino mula sa Kuwait lulan ng Cebu Pacific Flight 5J31 na lumapag sa NAIA Terminal 3 ngayong araw, Hunyo 16, bilang bahagi ng patuloy na whole-of-government repatriation efforts ng pamahalaan para sa ating mga Kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa kabuuang bilang ng mga umuwi, 22 ang mula sa National Capital Region (NCR), 78 ang mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, 28 ang mula sa Visayas, at 37 naman ang mula sa Mindanao. (Eric Ocapan)