Home HOME BANNER STORY G7 nagkaisa: Russia ‘di nanalo sa digmaan vs Ukraine — Zelenskiy

G7 nagkaisa: Russia ‘di nanalo sa digmaan vs Ukraine — Zelenskiy

3
0

KYIV — Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na nagkaisa ang mga lider ng Group of Seven (G7) na hindi nananalo ang Russia sa digmaan sa Ukraine at tinalakay ang posibilidad ng karagdagang sanctions upang mapilit ang Moscow na makipagkasundo para sa kapayapaan.

Sa isang panayam sa pamamagitan ng video link sa Reuters NEXT Europe summit sa London, sinabi ni Zelenskiy na kapwa naniniwala ang mga lider ng G7 na nagpulong sa Evian-les-Bains, France na nawalan na ng inisyatiba ang Russia sa larangan ng digmaan at sinasadya nitong puntiryahin ang mga sibilyang imprastraktura.

“We had unanimity that Russia is not winning and they are losing a lot of people, that they have to make a deal as quickly as possible, and they don’t have the initiative in their hands,” ani Zelenskiy.

Ayon sa lider ng Ukraine, tinalakay ng G7 ang posibleng karagdagang sanctions laban sa oil exports, banking sector, at military production ng Russia. Aniya, kailangan ng mas matinding presyur upang mapilit si Russian President Vladimir Putin na makipagkasundo.

“He doesn’t want to stop the war. He has to be under more pressure,” dagdag niya.

Nanawagan din si Zelenskiy para sa direktang pagpupulong kay Putin bago sumapit ang taglamig upang maiwasan ang panibagong pinsala sa energy infrastructure ng Ukraine. Umaasa rin siya na matutulungan ni U.S. President Donald Trump na maisagawa ang usapan sa isang neutral na bansa tulad ng Switzerland, Turkey, o isang bansa sa Middle East.

“It’s a very important thing to try to organize a meeting before the winter,” aniya.

Sinabi rin ni Zelenskiy na makatutulong ang pansamantalang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran upang wakasan ang sigalot sa Middle East dahil maaari nitong pababain ang presyo ng langis at mabawasan ang kakayahan ng Russia na pondohan ang digmaan.

Dagdag pa niya, positibong tumugon si Trump sa kahilingan ng Ukraine para sa karagdagang Patriot air defense missiles at sa mungkahing payagan ang Kyiv na gumawa ng naturang missiles sa ilalim ng lisensiya ng Estados Unidos.

“We want to increase their production, if they will be ok and if President Trump will support this idea,” ani Zelenskiy.

Hinimok din niya ang Europa na palakasin ang sariling kakayahan sa paggawa ng missile defense systems upang harapin ang banta ng ballistic missiles. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here