Home METRO Krisis sa tubig: Puerto Galera LGU, naghahanap ng alternatibong mapagkukunan

Krisis sa tubig: Puerto Galera LGU, naghahanap ng alternatibong mapagkukunan

8
0

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Naghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng tubig ang pamahalaang bayan ng Puerto Galera matapos itong isailalim sa state of calamity dahil sa lumalalang kakulangan sa suplay ng tubig.

Pinangunahan ni Vice Mayor Rocky Ilagan kasama ang mga department heads ang pagbisita sa Barangays Baclayan at Tabinay noong Hunyo 16 upang tukuyin ang mga posibleng bagong water source para sa bayan.

Ayon kay Ilagan, nakakita sila ng isang posibleng lokasyon sa tulong ng kanilang mga Mangyan guide.

“We try to avoid that our water system will be privatized as this will result to high water bill for every household which now pays only P100 for the first 10 cubic meter of water,” ani Ilagan.

Noong Lunes, inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang Resolution No. 06-198-2026 na nagdedeklara sa buong Puerto Galera sa ilalim ng state of calamity kasunod ng rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ayon sa mga lokal na opisyal, naapektuhan na ng matinding kakulangan sa tubig ang libu-libong residente, turista, mga negosyo, pampublikong institusyon, at iba pang mahahalagang serbisyo sa bayan.

“Puerto Galera is currently experiencing a significant and continuing shortage of water supply affecting households, business establishments, tourism-related industries, public institutions, and other essential services within the locality,” ayon sa resolusyon.

Sinabi ni Ilagan na pinalala pa ng epekto ng El Niño ang sitwasyon dahil nagdulot ito ng matagal na dry spell at tagtuyot sa ilang bahagi ng Mindoro.

Aniya, hindi na rin ginagamit ang mga deep-well pump na ipinagkaloob ng pambansang pamahalaan noong 2023 matapos lumabas sa pagsusuri na hindi ligtas inumin ang tubig mula rito.

Sa ilalim ng state of calamity, mas mapapadali ang pagmomobilisa ng mga resources, pagpapatupad ng mga agarang hakbang, at paggamit ng calamity funds upang matugunan ang krisis sa tubig sa Puerto Galera. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here