Home METRO 2 natagpuang patay sa sasakyan sa TPLEX

2 natagpuang patay sa sasakyan sa TPLEX

3
0

TARLAC, Philippines – Kinumpirma ng Tarlac Provincial Police Office na positibong nakilala na ng kanilang mga kaanak ang dalawang indibidwal na natagpuang patay sa loob ng isang sasakyan sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx) noong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang mga bangkay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa southbound lane ng TPLEX sa Barangay San Francisco, Victoria, Tarlac.

“We officially confirm that the family members of the two individuals have positively identified them,” ayon sa Tarlac PPO.

Hiniling ng pamilya na igalang ang kanilang desisyon na panatilihing pribado ang insidente at huwag nang maglabas ng karagdagang detalye.

Wala pang ibinibigay na dagdag na impormasyon ang pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here