Home NATIONWIDE DA nagbabala; Pinas walang inaangkat na sariwang ube abroad

DA nagbabala; Pinas walang inaangkat na sariwang ube abroad

5
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Plant Industry (BPI) ng Department of Agriculture (DA) na walang inaangkat na sariwang ube o purple yam ang Pilipinas mula sa ibang bansa at nagbabala laban sa pagbebenta o pamamahagi ng produktong ipinakikilalang “imported ube.”

Ayon sa BPI, wala itong inaprubahang pag-aangkat ng sariwang ube kaya dapat mag-ingat ang publiko sa mga produktong ibinebenta bilang imported.

“Any fresh ube being advertised, sold, distributed, or represented as ‘imported’ should be treated with caution and may be subject to verification by the proper authorities,” ayon sa BPI.

Inilabas ng ahensya ang babala sa gitna ng tumataas na pandaigdigang demand para sa ube at hinikayat ang publiko na iulat ang anumang posibleng paglabag.

Binigyang-diin ng BPI na labag sa umiiral na plant quarantine regulations ang pag-aangkat ng sariwang produktong agrikultural nang walang kinakailangang sanitary and phytosanitary clearances at maaari itong magdala ng mga peste at sakit na makapipinsala sa lokal na agrikultura.

“The importation of fresh agricultural commodities without the required sanitary and phytosanitary clearances (SPSIC) is a violation of existing plant quarantine regulations and poses a risk to Philippine agriculture,” ayon pa sa ahensya.

Tiniyak naman ng National Plant Quarantine Services Division ng DA-BPI ang pagpapatupad ng mahigpit na border control at pagsunod sa mga regulasyon sa kalakalan ng produktong agrikultural.

Samantala, patuloy na pinalalakas ng DA ang pananaliksik at pagpapaunlad ng ube sa pakikipagtulungan sa mga unibersidad gaya ng University of the Philippines Diliman at Los Baños. Iminungkahi rin ng ahensya ang P93 milyong pondo para sa ube research and development sa 2027, mas mataas kumpara sa kasalukuyang P17 milyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here