Home NATIONWIDE Energy transition vs. fossil fuel, dapat tuloy-tuloy kahit humupa na MidEast war...

Energy transition vs. fossil fuel, dapat tuloy-tuloy kahit humupa na MidEast war – Gatchalian

4
0
(c) Cesar Morales

Inihayag ni Senate President Win Gatchalian na dapat panatilihin ng Pilipinas ang direksyon nito sa agenda ng energy transition sa kabila ng paghupa ng tensiyon sa Middle East kasunod ng framework agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Gatchalian, hindi dapat mawala sa paningin ng bansa ang pangangailangang palakasin ang pangmatagalang seguridad sa enerhiya sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagdepende nito sa mga inaangkat na fossil fuel.

Upang isulong ang layuning ito, muling hinimok ni Gatchalian ang pagpasa sa Senate Bill No. 366, o ang Energy Transition Act, na una na niyang inihain upang magtatag ng isang national framework para sa energy transition.

Itinataguyod ng panukala ang paggamit ng mga malinis na pinagmumulan ng enerhiya, binabawasan ang pag-asa sa fossil fuel, at tinutukoy ang mga responsibilidad ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga patakaran sa transition sa mga sektor ng transportasyon at kuryente.

“Kailangan nating mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inaangkat na langis upang maprotektahan ang ekonomiya laban sa posibleng panibagong oil crisis o biglaang pagtaas ng presyo ng langis. Kaya mahalagang magkaroon tayo ng isang malinaw at maayos na energy transition plan,” sabi ni Gatchalian.

Bukod sa pagpapalakas ng seguridad sa enerhiya, makatutulong din ang isang energy transition plan upang maabot ng Pilipinas ang target nitong mabawasan at maiwasan ang greenhouse gas emissions nang hanggang 75% mula 2020 hanggang 2030 sa pamamagitan ng Nationally Determined Contribution (NDC) nito.

Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here