Home HOME BANNER STORY 30% ng mga halal na posisyon masasagasaan ng Anti-Dynasty Bill

30% ng mga halal na posisyon masasagasaan ng Anti-Dynasty Bill

4
0

MANILA, Philippines — Tinatayang 30 porsiyento ng mga halal na posisyon sa buong bansa ang maaaring masaklaw ng mga restriksyon sa ilalim ng bersyon ng Senado ng panukalang Anti-Political Dynasty Law, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.

Sa panayam sa mga mamamahayag sa Cebu City nitong Biyernes, sinabi ni Hontiveros na ipinagbabawal ng panukala ang political dynasty relationships hanggang ikalawang antas ng consanguinity at affinity.

“Mag-a-affect na ‘yan, mag-i-impact na ‘yan sa 30% ng mga elected positions. So hindi maliit na bagay. That will already start to shake the ground if and when maipasa ‘yung batas na ‘yan,” ani Hontiveros.

Nakasaad din sa panukala na hindi maaaring gamitin ng mga pamilyang politikal ang party-list system kung may hawak silang pambansa o lokal na posisyong halal.

Saklaw rin ng panukala ang mga taong hindi kasal ngunit hayagang nagpapakilalang magkapareha, kinikilala bilang mag-asawa o magkapareha, at naninirahan sa iisang tahanan.

“So may anim o pitong mga importanteng provision ang Senate version so far undergoing interpellation,” dagdag ng senador.

Umaasa si Hontiveros na sa pamamagitan ng bicameral conference committee kasama ang Kamara de Representantes ay maisasabatas ang kauna-unahang anti-political dynasty law sa bansa, 39 na taon matapos atasan ng 1987 Constitution ang Kongreso na magpatupad ng batas laban sa mga political dynasty.

“Excited akong mag-bicameral conference committee sa counterparts namin sa House to produce the first ever, after 39 years, anti-political dynasty law sa Pilipinas in obedience sa utos ng Konstitusyon,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here