Home ENTERTAINMENT Miguel, balik-Pinas for good!

Miguel, balik-Pinas for good!

3
0

Manila, Philippines – Goodbye, America… hello, Philippines again!

Ganito ang tila pagbati sa singer na si Miguel Vera, na kasalukuyang nasa bansa.

Hindi lamang bakasyon ang ipinunta nila rito ng kanyang pamilya, kundi balitang “for good” na ang kanilang pagbabalik at pananatili sa Pilipinas.

Para sa mga hindi gaanong nakakakilala kay Miguel, nadiskubre siya sa pamamagitan ng isang Sarsi commercial.

Ngunit si Miguel—Romeo “Boyet” Arca sa tunay na buhay—ay sumikat dahil sa kanyang hit song na “Nais Ko.”

Pagbalik niya sa bansa, nag-guest na ang balladeer sa “Vibe” ng TV5, partikular sa segment na “OG.”

Tampok sa “OG” ang mga kilalang performer noon na may mga sikat na awiting nire-revive ngayon.

Bakit kaya nagdesisyon si Miguel na permanente nang manirahan dito gayong hindi naman siya nawawalan ng mga raket sa US?

Isa nga sa mga nag-react ay ang dating asawang si Ai Ai delas Alas sa pamamagitan ng kanyang post:

“Napakahusay mo pa ring kumanta, Papey, wohooo and Tatay ng aking mga anak… Ang papa ng children of the corn… more projects to come… kamukha mo talaga si Budang hehehe!”

Ang Budang na tinutukoy ni Ai Ai ay ang bunso nilang si Sophia, habang ang isa pa nilang anak ay si Nicolo o mas kilala sa palayaw na Nicki.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here