Home ENTERTAINMENT Enrique, tameme sa buntis na isyu!

Enrique, tameme sa buntis na isyu!

2
0

Manila, Philippines – Tila dedma pa rin si Enrique Gil sa kumakalat na tsika na magiging ama na ang aktor.

Naging paksa ito ng usapan sa vlog ng isang vlogger na dating talent manager ng ex niyang si Liza Soberano.

Ayon pa sa kanyang tsika, hindi raw boto ang mga magulang o kampo ni Enrique sa babaeng umano’y nabuntis nito.

Pero habang hindi nagsasalita si Enrique, ayaw naman siyang tantanan ng mga katikatera at sawsawera hinggil sa isyu.

May nang-iintriga pang kaya nananahimik ang aktor ay dahil takot itong maapektuhan ang ginagawang serye kung saan ibinibenta ang tambalan nila ni Andrea Brillantes.

Ito ang ilan sa mga hirit ng kibitzers:

“Hello, eh, ano naman kung nakabuntis siya. He’s already 34.”

“Parang sobrang in love si Quen sa girl.”

“Tameme siya sa isyu dahil may serye siya with Blythe.”

“Kailan pa siya aamin o magsasalita?”

“So hindi pala boto ang family ni Quen sa girl. Paano na iyan?”

“Hindi naman ang family ni Quen ang makikisama kundi siya. Quen is now of legal age. Di na need ng parental consent if he wants to settle down.”

Bukas naman ang pitak na ito para sa panig ni Enrique upang linawin ang isyu.

Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here