Home ENTERTAINMENT Uge, aminadong nagpa-botox!

Uge, aminadong nagpa-botox!

2
0

Manila, Philippines – Ayon kay Eugene Domingo, dati raw ay hindi siya mahilig mag-makeup.

Gayunpaman, napilitan daw siyang gumamit ng kikay kit dahil kinailangan niya ito nang magkaroon siya ng vlog.

Sa naturang panayam, nabanggit din niya na tinangka niyang magpaputi.

May notion daw kasi na kapag artista ang isang personalidad ay dapat flawless din ang kutis.

Nag-try din daw siyang mag-gluta, pero na-realize niya na mabusisi ang maintenance nito.

Sey pa niya, mas komportable at proud din daw siya sa pagiging morena niya.

Hindi rin niya ikinaila na uso sa mga artista ang magpa-botox, lalo pa kung nagiging prominente na ang wrinkles o kulubot sa mukha ng isang celebrity habang tumatanda.

Pagbabahagi pa niya, nagpa-botox daw siya noon dahil may mga frown lines na siya sa noo.

Akala raw niya noon ay hindi ito mapapansin ng kanyang kaibigan, pero nahalata raw ito kaya kinantiyawan siya.

Siyempre, may epekto rin daw ito sa kanyang pag-arte dahil nako-conscious siya na kumunot o lumukot ang kanyang noo o forehead.

Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here