Home HOME BANNER STORY 4 Pinoy kabilang sa mga sugatan sa pag-atake ng Houthi sa airport...

4 Pinoy kabilang sa mga sugatan sa pag-atake ng Houthi sa airport sa Riyadh – DMW

1
0

MANILA, Philippines – Kabilang ang apat na Pinoy sa mga nasugatan sa pag-atake ng Houthi sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia nitong Sabado, Oktubre 10, 2026, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

“Based on a report by Labor Attache Dominador Salangga of the Migrant Workers Office (MWO)-Riyadh, three are currently in the ICU while the other is set for discharge from the hospital,” saad sa pahayag ng DMW.

Patuloy naman na minomonitor ng mga tauhan ng MWO at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Riyadh ang lagay ng mga sugatang Pinoy.

Siniguro naman ang tulong at suporta sa mga ito.

“No Filipino deaths have been reported in connection with the incident,” ayon pa sa DMW.

Bago rito, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na tatlong Pinoy ang nasugatan sa pag-atake sa Riyadh International Airport, kung saan dalawa sa kanila ang nananatili sa intensive care.

Matatandaan na nagresulta rin ang pag-atake sa 12 kataong nasawi at 300 iba pa ang sugatan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here