Home NATIONWIDE Pekeng opisyal, alok na trabaho sa DPWH, ibinabala

Pekeng opisyal, alok na trabaho sa DPWH, ibinabala

4
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa mga nagpapanggap na opisyal o empleyado ng ahensya na nanghihingi ng pera o pabor kapalit ng trabaho o proyekto.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, National Bureau of Investigation (NBI), at PNP-CIDG upang mahuli ang mga nasa likod ng modus.

Nagbigay ng babala si Dizon matapos may isang indibidwal na pumunta sa DPWH Central Office sa Maynila para sa umano’y panunumpa bilang “regional director” batay sa dokumentong ipinadala sa pamamagitan ng online messaging app.

Binigyang-diin ng DPWH na ang lahat ng opisyal na appointment at transaksyon ay dumadaan lamang sa tamang proseso at opisyal na komunikasyon ng ahensya.

Hinimok din ng DPWH ang publiko na agad iulat ang mga kahina-hinalang transaksyon sa Hotline 165-02, mga social media account ng ahensya, o sa email na [email protected].

Samantala, iniulat ng DPWH na dalawang indibidwal ang naaresto sa Davao City matapos umanong magpanggap na mga opisyal ng ahensya at magsagawa ng inspeksyon sa mga proyekto. Nahaharap sila sa kasong usurpation of authority at falsification of public documents. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here