MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa local government units, technology innovators, academic institutions, at private sector na magkaisa ss paggamit ng smart agriculture at climate-resilient solutions to ensure upang matiyak ang pambansang onal food security.
Sa kanyang keynote message sa ginanap na “10th ClickConEx: Convergence of Luzon I.C.T. Champions and Exhibitions” nitong Biyernes, June 19, 2026 sa Naga Citykinilala ng senador kung paano magiging game changer ang teknolohiya para sa magsasaka at mangingisda.
“Ang kaalaman ay kapangyarihan aniya saka nagsabi na maaaring makakuha ng impormashon ang magsasaka at mangingisda hinggil sa lagay ng panahon, pest warning presyo sa merkadao at payo sa pagtatanim sa pamamagitan ng smartphones.
Idinagdag ng senador ang ideya na maaaring direktang makipag-ugnayan ang lumilikha sa consumer sa pamamagitan ng mahusay at digital na supply chain.
Pinawi din ng senador ang pangamba ng ilan na mapapalitan ang tradisyunal na pagsasaka sa paggamit ng teknolohiya at agrikultura at pangisdaan.
Sa halip, aniya, makalilikha ito ng henerasyon ng indigenous and farming knowledge—mula sa magsasaka na ipamamana ang kaalamanan sa kapaligiran at pagtatanim hanggang sa mangingisda na mas nakakaunaw sa ritmo ang karagatan at palalakasin nng siyensiya, datos at teknolohiya.
“If we want to have ample food supply, we must mobilize resources towards the weakest link and provide them with capacity, with technology, with organization, with extension service,” ani Pangilinan.
Matapos ang ilang linggong sigalot sa Senado, naipasa sa ikalawang pagbasa ang kambal na panukala ng sendor sa reporma at modernisasyon ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Kasama dito ang rasyunalisasyo ng extension services na magbibigay sa magsasaka at mangingisda ng pamamaraan sa tulong teknikal, pagsasanay, modern farming practices, veterinary services, pest management, at bagong teknolohiya pababa hanggang antas ng munisipyo.
“At the same time, reestablishing the Bureau of Agriculture Cooperatives would strengthen farmers’ and fisherfolk’s capacity to organize themselves anmpete effectively. As a cooperative, they can buy inputs at lower prices, access credit more easily, invest in equipment and machinery, process their products, and negotiate better prices in the market,” aniya.
“Anong saysay ng teknolohiya kung hindi organisado ang food producers natin, ang mga magsasaka at mangingisda? Ano man ang intervention na gagawin ng national at local governments, kung hindi naman organisado at capacitated ang farmers at fisherfolk ay hindi magiging sustainable ang anumang intervention,” paliwanag ni Pangilinan.
“The lessons of superpowers in agriculture in the region is that they have a strong organized farming and fishing cooperatives regulations and associations,” dagdag ng senador.
Kasama ni Pangilinan na dumalo sa event sina Senador Bam Aquino at Naga City Mayor Leni Robredo. Ernie Reyes