Home NATIONWIDE Mother Frances Cabrini itinanghal ni Pope Leo bilang huwaran sa pagtulong sa...

Mother Frances Cabrini itinanghal ni Pope Leo bilang huwaran sa pagtulong sa mga migrante

2
0

MANILA, Philippines – Nanalangin si Pope Leo sa harap ng libingan ni Mother Frances Cabrini sa Basilica na ipinangalan sa kanya sa Sant’Angelo Lodigiano, malapit sa Milan, at namuno sa isang evening prayer service.

Bahagi ito ng kanyang summer grand tour sa Italy para makilala ang kanyang mga tagasunod.

Sa kanyang mensahe, hinimok lalo ni Leo ang mga kabataan na pag-aralan ang buhay at paglilingkod ni Cabrini.

Idiniin niya na inspirasyon si Cabrini ng pananampalataya para tulungan ang mga taong iniwan ang lahat para sa mas magandang buhay.

Si Cabrini, patron saint ng mga migrante, ay kilala sa pag-aaruga sa mga Italian immigrant sa U.S. noong pagpasok ng 1900s.

Lumagpas pa ang kanyang misyon sa Amerika — nagtayo siya ng mga paaralan, ospital, at orphanage sa buong mundo.

Namatay siya noong 1917 sa Chicago bilang naturalized U.S. citizen at kinanonisa noong 1946 bilang unang American saint.

Pinatibay ng pagbisita ni Leo ang kanyang posisyon bilang tagapagmana ni Pope Francis sa pagbibigay prayoridad sa mga migrante.

Kamakailan ay nagtungo rin siya sa Canary Islands para manawagan ng pagtanggap sa mga tumatakas sa kahirapan.

At sa Hulyo 4, U.S. Independence Day, pupunta siya sa Lampedusa — kaparehong lugar na unang binisita ni Pope Francis sa labas ng Rome noong 2013 — isang simbolikong pahayag sa gitna ng banggaan niya sa administrasyong Trump sa isyu ng migration.

Bago pumunta sa bayan ni Cabrini, huminto muna si Leo sa Pavia para manalangin sa libingan ni St. Augustine.

Hinimok niya ang mga Italyano na muling tuklasin ang kanilang pananampalataya sa gitna ng pagbaba ng mga nagsisimba at nagpapakasal sa simbahan.

Idineklara ni Leo na siya ay “anak ni St. Augustine” at ginagabayan ng mga turo nito ang kanyang pontificate. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here